Abode of Love and Romance
Navigation
 Portal
 Index
 Memberlist
 Profile
 FAQ
 Search
Search
 
 

Display results as :
 


Rechercher Advanced Search

Latest topics
» The return of the comeback!
Fri Nov 18, 2011 1:36 pm by waki

» happy brthday to me... huhuhu!
Fri Sep 09, 2011 5:09 pm by lovelie

» Anniversary Dates
Fri Jul 15, 2011 8:11 am by waki

» AYAN YON?????
Fri Jul 15, 2011 8:03 am by waki

» my facebook notes
Fri Jun 17, 2011 8:41 pm by waki

» Valentines Day manen!
Mon Feb 21, 2011 12:37 pm by andy2

» HAPPY BIRTHDAY Gorjuschick! 23 Jan.
Mon Feb 21, 2011 12:26 pm by andy2

» Cheryl's b-day (Jan 11)
Fri Jan 14, 2011 4:49 pm by hypertek

» It`s THANKSGIVING DAY!
Tue Jan 04, 2011 6:04 pm by lovelie

Poll
Statistics
We have 51 registered users
The newest registered user is arroisad

Our users have posted a total of 2648 messages in 132 subjects

my facebook notes

Page 1 of 2 1, 2  Next

View previous topic View next topic Go down

20110617

Post 

my facebook notes




praning lang siguro ako, pero mas mabuti nang may ganitong kopya kaysa mawalang parang bula..gaya ng nangyari sa nga notes ng account ko na biglang tinanggal ng fb na di ko alam ang dahilan.

_________________
dare to fly......

waki

Posts : 960
Join date : 2010-07-06
Location : manila

http://kulibangbangkenkimat.blogspot.com

Back to top Go down

- Similar topics
Share this post on: Excite BookmarksDiggRedditDel.icio.usGoogleLiveSlashdotNetscapeTechnoratiStumbleUponNewsvineFurlYahooSmarking

my facebook notes :: Comments

Post on Fri Jun 17, 2011 7:55 pm by waki

Leaving yesterday behind...


by Waki Ikaw on Monday, August 9, 2010 at 10:16am

Ang sabi nila, kapag may nagsasarang pintuan,

huwag mo daw itong titigan ng matagal

at baka hindi mo mapansin ang pagbukas

ng isa pang pintuang patungo sa lugar

na kung saan ay naroroon ang

mas mahahalagang mga bagay.

Sinunod ko iyon,

at hindi ko iyon pinagsisihan.

Nagsara man ang isang pintuan sa aking likuran,

mayroon namang dalawang bintanang bumukas sa aking mga tagiliran

at isang mas malaking pintuan sa aking harapan.



A whole new life, a whole new world.

Salamat sa inyong lahat

Back to top Go down

Post on Fri Jun 17, 2011 8:10 pm by waki

Lintek na Puso, oo... pasaway talaga!
by Waki Ikaw on Tuesday, August 10, 2010 at 6:54pm

Masarap ang umibig. Nakakapagbigay ito ng ibayong sigla at pananaw sa buhay. Ang taong umiibig ay hindi inaalintana ang kaanyuhan ng kapaligiran basta’t kasama ang kanyang minamahal.Marami nang nagpakabaliw sa ngalan ng pag-ibig, dahil nakalalasing ito. Alam ko, dahil ako mismo ay nakaranas na nito, at alam ko, sa ilang pagkakataon, ang mga nagbabasa nito ay nakaranas na ring magmahal, at - akala lang nila - sila’y minahal din.



Animo’y droga ang pag-ibig na kapag nasobrahan ay kikitlin ang pagpapahalaga sa sarili at mangingibabaw ang isa pang kahangalang kung tawagin ng iba’y “sakripisyo”.



Oo, ang pag-ibig ay nahahalintulad sa isang bisyo. Mahirap nang iwasan kapag nalulong ka rito.Marami nang kaluluwang nagdusa. Kung minsan gusto kong sisihin si Kupido. Dahil sa ipinauso ng kung sino mang siraulo na nagpakilala sa kanya sa mga tao, masyado siyang malupit. Paniwala ko kasi’y pinaglaruan na niya ang damdamin ng mga tao. (wahehehehe… peace, Cupid… Eros…whatever… peace!)May pa-Valentine-valentine pang nalalaman ngayon ang mga tao samantalang kung tutuusin, kagaya din ng Pasko, naging bahagi na lang ito ng komersiyo. Nawawala ang kahulugan ng mga araw na binanggit dahil inuuna nang isipin ng mga nasasangkot kung papaano nila paliligayahin ang kanilang minamahal, kahit pa mangahulugang isantabi muna ang sariling pangangailangan at kaligayahan. At ang iba naman ay umaasang sila ang gagawing prayoridad ng kanilang minamahal sa mga araw na nabanggit.



Tuloy, sa mga magkarelasyon, ang tunay na nagmamahal ay kadalasang naiiwang umiiyak, nasasaktan, dahil pakiramdam niya’y walang sapat na katugunan ang inialay niyang pagmamahal. Diyan na nag-uugat ang panibugho, awayan, bintangan, bugbugan, hiwalayan, iyakan, at kung minsan, patayan. Likas na makasarili ang tao. Sa sandaling makaranas ito ng bahagyang panlalamig ng karelasyon ay parang nag-aalarma ang kanyang sistema at umpisa na ring papasukan ng mga pangitain ang kanyang guni-guni…



Nguni’t ganoon pa man, masarap pa rin ang magmahal at – sa akala ko lang naman - minamahal. Kahit paulit-ulit akong masaktan, hangga’t may hininga, patuloy akong magmamahal. Hangal nga siguro akong matatawag, nguni’t mas mahalaga pa ba ang sasabihin ng ibang tao kaysa sa sarili kong damdamin? Mas kilala ko kung sino at ano ako, kaya walang karapatan ang kahit sino upang husgahan kung ano ang totoo kong pagkatao.Iwanan man ako ng minamahal ko, masasabi ko sa aking sarili na natupad ko ang sigaw ng aking puso.



Nagmahal ako, dahil may kakayahan akong magmahal. Sabi nila, ang pag-ibig daw ang umpisa ng buhay. Nais kong mabuhay, kaya nais ko ring magmahal. Ayaw kong masaktan, ngunit alam kong hindi ito maiiwasan, hangga’t may pakiramdam ang aking katawan, hangga’t handa ang puso kong magmahal.



Sa pag-ibig, para kang sumugal. Winner take-all. Ang pusta? Puso lang. Puso, at sa totoo lang, ito ang pinaniniwalaan kong pinakamatibay na bahagi ng aking katawan. Paulit-ulit mang masaktan, maghahanap at maghahanap pa rin ito ng mamahalin. At umaasang ito ay mamahalin din.



Kaibigan, kung ikaw ngayon ang papipiliin, ano ang mas gusto mo? Ang ikaw ay mahalin? O ikaw ang mag-alay ng pagmamahal?



<wakidok> - pilit na ni-rewind ang naburang alaala dahil sa palpak na koneksiyon ng kanyang internet kaninang umaga.

Back to top Go down

Post on Fri Jun 17, 2011 8:11 pm by waki

all work and no play... it's a 'no-no' for waki (hehehe)
by Waki Ikaw on Wednesday, August 11, 2010 at 5:07pm

Ang paghahanap ng katuparan ng mga pangarap ay parang level-up game.



Halimbawa, Farm Town.



Darating ka sa isang lugar at magko-courtesy call sa mayor (siyempre dapat alamin mo kung sino ang namumuno sa iyong bayan)



Hindi mo mapapalaki ang iyong farm kung hindi mo umpisahang bungkalin ang anim na pirasong plots at taniman. Mag-uumpisa kang magtanim ng mga mumurahing gulay gaya ng kamatis at strawberries, at habang nagbubungkal ka, nagtatanim ka rin at nagbebenta ng mga produkto ng iyong bukid, habang dumarami ang iyong kapitbahay.



Sa mga kapitbahay ka makakaipon ng mga regalo, kung ikaw ay marunong ding magbigay ng mga regalo. Makikilala ka at mabibigyan ng pagkakataong makabili ng ekspansiyon ng iyong bukid, habang pinapayagan ka na ring makabili ng mga gamit na gaya ng traktora upang mas mapadali ang iyong pagbubungkal. Kapag dumami lalo ang iyong kapitbahay maaari ka nang pumunta sa bayan at umupa ng mga tao upang matulungan ka habang sila naman ay natutulungan mo sa kanilang mga pangangailangang karanasan sa pagbubukid, at karagdadang kita.



Dito, makakakilala ka na naman ng mga bagong kaibigang kung tawagin ay buddies, at kung papalarin ka ay maaari mo silang kaibiganin ng husto at gawing kapitbahay. At kung ikaw naman ang mangangailangan ay maaari kang bumalik sa bayan at gawin lahat ang kinakailangang gawin (pagmamakaawa, pagpapapansin, o pananakot kaya?) upang matanggap sa trabaho at magkaroon ka ng karagdadang karanasan at kita.



Kung wala kang makuhang trabaho ay maaari kang dumalaw sa bukirin ng mga kapitbahay at tumulong sa pagdilig ng mga bulaklak (totoong bulaklak ng kapitbahay ang didiligan ha, masipag akong magdilig... totoo yun, wahehe), o di kaya'y pagwalis sa mga tuyong dahon ng mga punongkahoy, na ang iba doon ay ikaw mismo ang nagregalo, o di kaya'y takutin ang mga ibong nanginginain ng mga tanim. yun nga lang kahit hinog na ang mga bungangkahoy at nalanta na ang mga pananim, di mo naman puwedeng anihin hangga't di ka iniimbitahang magtrabaho.



habang yumayaman ka ay makakabili ka ng mga mas mamahaling gamit, tirahan, gusali, hayop, at mapapaganda mo na ang iyong bukid, maaari mo nang gawing residensiyal ang ibang bahagi nito, kung gusto mo.



at sa dagdag na pagpupunyagi, pakikipagkaibigan, at oras na ilalagi sa pagfa-farming, habang binabantayan mo ang iyong mga pananim upang anihin ang mga ito bago pa man malanta, at dumadami ang iyong kayamanan, sa kalaunan ay maaari ka na ring bumili ng ibang mga bukirin upang ang kikitain mo sa mga ito ay madadagdag lalo sa kayamanan mo. pagkatapos, kung magsisipag ka pa lalo, makakabili ka na naman ng ibat-ibang gusali at pabrika upang lalo ka pang yumaman. Kung gusto mo, magtayo ka pa ng cafe world mo, o sumali sa mafia kaya? ako nga, napadpad pa minsan sa pet forest at naging mage. hehehe.



sana, ganoon kadali ang buhay ano. nakaupo ka lang, pindot ng pindot at papayaman ng papayaman.



kaso hindi eh.



kanya lang, masasabi kong ang buhay ay parang level up game... na hindi laro, at hindi biro. tunay na pangyayari, kapag nalanta ang mga pananim mo ay bankrupt ka, at hindi ganoon kadaling maghanap ng pagkakakitaan. sa farm town kapag sawa ka na sa pagpindot ay maaari mong pabayaan ang iyong bukid at hindi ito aalis. walang makikialam maliban kung ipinamigay mo ang iyong password. sa tunay na buhay, kapag sawa ka na ay dalawang bagay lamang ang maaari mong gawin. mamalimos, o magpakamatay. either way, talo ka. sa ngayon, tinatamad na akong maglaro. ngunit hindi puwedeng tamaring pumasok sa trabaho. ngunit ang sarap siguro kung mag-leave ako ng kahit isang buwan lang... payagan kaya ako ng bosing ko? hehehe...



pagod na ako. inaantok na ako. saka na lang ulit ako magtitipa ng keyboard. sa ngayon, pagdamutan na lang muna ninyo ang aking maihahandog. sa mga may panahong magbasa nito, nagpapasalamat ako. sa mga tinatamad magbasa at napadaan at nagbigay ng tambs ap, nagpapasalamat pa rin ako. at lalo akong magpapasalamat kung kahit wlang imbitasyon ay napadpad, nakibasa, at nagkomento rito.



Ang sulating ito ay base sa quote na ito ni manong napoleon: (parang close kami neto ah, hehehe)



"Do not wait; the time will never be "just right. Start where you stand, and work with whatever tools you may have at your command, and better tools will be found as you go along". - Napoleon Hill


<wakidok> - sumasara na ang talukap ng kanyang mga mata, at kung may typo error eh wala na siyang pakialam pa. wahehe. happy reading! magandang araw at gabi sa inyong lahat.

Back to top Go down

Post on Fri Jun 17, 2011 8:11 pm by waki

A poem for Manang Mariam
by Waki Ikaw on Thursday, August 12, 2010 at 12:36am









Sa gitna ng pagsubok, ika'y naririyan

nakangiti sa akin at kamay ko'y iyong tangan

ang sabi mo sa aki'y "waki, kaya mo iyan.

nandito lang ako, hindi kita iiwanan"



ngunit sa dagling luwalhating tinamasa

nasilaw sa kislap ng naglalakihang tala

panaghoy ng damdaming ipinagwalang bahala

panahong lumipas, di man lang alintana



nginig na kalamnan ng pagal nang katawan

lumipas na ningning, kagyat na dinamdam

kay lungkot ng paligid, damdami'y matamlay

naririyan ka pa bang bukas-palad, naghihintay?



Hindi ko na kinakailangang mangako

dahil hindi ko sigurado, baka lamang ito mapako

ngunit gagawin lahat, sisikapin kong sundin

alam kong ang nais mo'y buhay ko'y ayusin.



Kung sakali mang ang tadhana' sa ati'y magbiro

at ang landas nati'y tuluyang magkakalayo

babaunin ko lahat ang mga pangaral mo

magsisilbing lakas at gabay sa pag-inog ng mundo.







(Manang mriam is a very good friend of mine



who, in a very short span of time, i have come to trust, and in fact became my confidante.)

Back to top Go down

Post on Fri Jun 17, 2011 8:12 pm by waki

PASAGAD, BROD!
by Waki Ikaw on Monday, August 16, 2010 at 1:28pm

Nagganas ti agbakasion idiay probinsia.



Medio gumaton 'diay init. Nakitak daytay dadael nga ulnas. Pasagad pay ti maysa nga awagda ken daytoy. Antigo metten daytoy ngem imbag no maurayna pay tatta 'ti tiempo a mabalinen a bagkaten a mapan ilako idiay antique shop? No maibus ti nagyan diay gasul ni inangko ket patiem no 'dinan to met la pagdiskitaran a pabalsig daytoy kenni tatang tapno adda pangaron na idiay dalikan, aglalo no adda nauraga a para sinanglaw.



Ay wen gayam, mabisinakon.



"Inang, naluto kadin 'tay sinanglaw?" Inamadko ken inang a natumpongak a mangkurkurkor kadagiti native a manokna. Sinirigko 'diay maysa a kawiwitan... er...kawitan, inmental-note ko a palsiitak to intono mumalem tapno adda panglaok mi iti lutuen ni angkelko a 'roskaldo.



Old habits die hard. Hehehe.



"Inka manggaon uray nakasaang pay laeng idiay dalikan, naluto tatta daydiayen," kinuna ni inangko a nakaammal ti pinadis a makin-uneg 'ti sindi na.



Kastaunay darasko a napan nanggao 'ti napudot a sinanglaw. Taptapayaek 'diay malukong bayat 'ti panagsublik a nagtugaw idiay 'yan ti dadael a pasagad.



Madaddadaelen daytoy ta 'di met ngaminen a maus-usar. Manipud idi nauso ti kuliglig ken topdown a tricycle a pagbunag kadagiti ginapas wenno ani ket na-out of style metten ti pasagad. Amangan no dumtengto payen ti panawen a dagiti nuang ket ma-extinct dan ton. 'Tin to la remembrance ti lubongen maipanggep iti nuang ket dagitay estatua da a nakapila idiay baba ti SM Marikina a kas man mapanda aglubnak idiay Marikina River. Adda pay ketdi naiyaw-awan a maysa a puraw a nuang ah. Diak ammo no manoda dagidiay itattayen. Inmental note ko pay a bilangek to intono maminsan a mapanko sarungkaran ti opisina 'tay publisher ko 'diay Rizal.



Idi ubingak ket maganasanak la unay nga aglugan iti pasagad. Kaykayatko ti aglugan ditoy ngem kadaytay bukot ti nuang a mangguyguyod. Sumurotak idi kenni tatangko a mapan mangbunag kadagiti sinako nga irik a ginapas ken tinilyar dagiti padami met laeng a mannalon.



Intono agawidkamin ket siempre maasianak metten ken 'diay nuang ta adu la unayen ti paguyodenna nga irik, magmagnakami latten ken tatangko a mangbayabay iti kargamento mi. No kastan a tuntuntunen mi 'diay desdes ket pasaray kam' pay agkammel iti kappi wenno agpidut kadagiti bisukol idiay malabsanmi nga irigasyon, inggana a mapunno 'diay alat a kanayon a nakasakibot iti sikigan ni tatang.



No iti met tiempo ti paspasala, daytoy met laeng a pasagad ti witness dagiti agnonobio a nabannog a nangkumkumpas iti toktokar idiay salonan. Adda kano ngamin dagiti pasamak a baro ken balasang laeng ti makasungbat. Ta no kasta a madama ti napipigsa a tokar, no awan dagiti agnonobio nga agmulmula ti tarong ken kabatiti idiay asideg ti kasabaan ket addada laeng nga agab-abay nga agin-inana iti 'yan 'tay naka-parking a pasagad. 'Daytoy a pasagad ket adun ti nasaksianna a paspasamak. Nagswerte a pasagad.



Siempre, ammok amin dagita, ta makitkitak idi ubingak nga inosente.



Wen, pudno amin dagitoy ibagbagak. Peksman.

Back to top Go down

Post on Fri Jun 17, 2011 8:13 pm by waki

senti ng isang ligaw na kaluluwa
by Waki Ikaw on Wednesday, August 18, 2010 at 11:28am

Para sa iyo ito....at alam kong dama mo ang mensaheng nais kong iparating.



Nag-iisa ka sa mundo. Hindi ko alam kung gaano kalaki ang puso mo at nagkasya yata lahat diyan ang mga nilalang na binigyan mo ng sobra-sobrang halaga. Lalong lalo na ako.



Niyakap mo ang lahat sa akin, sampu ng aking mga pagkukulang at kamalian.



May mga pagkakataong ninais kong umalis, lumayo... maglaho. Dahil alam kong hindi ako nararapat sa iyo. Ang ipagtanggol ako at isuot ang buhay mo sa panganib upang ako'y mapangiti? Dapat ko ba itong ipagbunyi? Kaya ko bang suklian ang pagmamahal na iyan?



Minsan, naitatanong ko sa dakilang Lumikha ... kung ... totoong tao ka ba talaga. Ipagpaumanhin mo, hindi lang kasi ako makapaniwalang may isang katulad mong nabubuhay... mapagbigay, mapagparaya...



Hindi kailanman mapapantayan ang pagmamahal na kaya mong ibigay, at ibibigay pa. Mahal na mahal kita... ngunit pakiramdam ko, hindi sapat ang pagmamahal na ito upang ipadama sa iyo kung gaano ka kahalaga. Higit sa lahat, ay natatakot akong bukas, paggising ko, mawala ka na lang bigla. Ayokong isipin, dahil alam ko, kapag nangyari iyon ay hindi ko kakayanin.



Nabubuhay ako nang dahil sa iyo. Ikaw ang nagbigay ng dahilan kung bakit ayaw kong lisanin ang mundo. Alam kong sa gitna ng ipinakita mong katatagan ay mayroong takot na nakahimlay sa iyong puso, na sa sandaling masaling ito ay magkakaroon ng malaking pagbabago. Ayaw kong gambalahin ang takot na iyon... nais kong makita kang nananatiling ganyan. Matatag. Nagbibigay pag-asa na mayroong naghihintay na liwanang ang bawa't bukas.



Kaya habang may pagkakataon pa ay nais kong ibahagi kung ano ang nilalaman ng aking damdamin.



Oo, para sa iyo ito. alam ko, nararamdaman ko. Maiintindihan mo.



Gusto kong maging isang awitin. Awit na nagpapahiwatig ng damdamin ng isang pusong labis na nagmamahal. Himig at titik ng awiting papasok sa puso ng bawa't buhay na iyong masasaling. Nais kong pumasok sa puso mo at maging bahagi ng bawa't hibla ng iyong kalamnan, at bawa't paghinga. Ayaw ko nang mawalay sa piling mo kailan man.



Huwag kang lumuha. Hangga't kaya ko, hangga't may pagkakataon, sisikapin kong lagi akong naririyan sa puso mo. Hindi ako aalis. Higit sa lahat, lalagi kitang kailangan - dahil mahal na mahal kita.



Kung mawawala ka, mawawalan na rin sa akin ng saysay ang lahat.



Oo, para sa iyo ito. At ikaw ang aking buhay.





<wakidok> - habang nagmumuni-muni kung ano ba ang tunay na kahulugan ng tapat na pagmamahal, pag-asa... at buhay.

Back to top Go down

Post on Fri Jun 17, 2011 8:13 pm by waki

senti sa ulan
by Waki Ikaw on Sunday, August 22, 2010 at 12:09pm

Pilit kinukubli ng ulan ang himutok at bugso ng damdaming nais kumawala.

Masakit sa dibdib ang pagtatago ng nais isiwalat ng kaluluwang nagsusumamo ng kahit katiting mong pagtingin.

Hindi kailanman maiaanod ng tubig-ulan ang kasawiang namamalagi sa puso dahil hindi mo batid.

Kailan ka kaya magigising sa dumadagundong na tibok ng pusong matagal nang sa iyo ay umiibig?

Sa bawat ngiti mo ay natutunaw ang aking kalamnan.

Hindi ko maubos maisip kung anong hiwaga mayroon ang iyong pagkatao na kayang baliin ang aking disposisyon.

Hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan ng kahibangan kong ito dahil sa ngayon ay nais ko lang masungkit ang tamis ng iyong pagsuyo ...





<wakidok> tinatamad na bumangon at panay buntonghininga...

Back to top Go down

Post on Fri Jun 17, 2011 8:14 pm by waki

an appeal to my fellow filipinos
by Waki Ikaw on Friday, August 27, 2010 at 12:55pm

Enough, my dear friends and countrymen!



Even apologies should have their own limits.



We have apologized to HongKong and its people, not once but many times...We tried to explain to other races that the Philippines did not plot the tragic hostage incident but it was an act of one man, and we admitted that our police had inadequate training to respond on these types of emergency. We learned a lesson, and most of us personally vowed that we will not let a similar incident happen again in the future. We were able to determine what went wrong, and our government is surely doing something to alleviate the pain it may have caused.



We licked our wounds, and we even put salt on them. It's as if we have voluntarily burned ourselves with the fires of hell.



But still, we hear rumors of our fellow filipinos, especially the OFWs, being maltreated or their contracts terminated, pinoys humiliated and are being mocked in public, just because the chinese are enraged by the recent hostage-drama tragedy.



We have acknowledged and condemned the act of one MR MENDOZA ... even to the extent of humiliating our MANILA's Finest just to ensure that we realize their failure as also seen and pointed out by the rest of the world.



We talk nasty things about the government... about our leaders.



Do we realize what we have done? We are about to SURRENDER THE DIGNITY of the FILIPINO, in our attempt to make the filipinos appear as humble and remorseful as possible.



I'm sick and tired of hearing the I'M SORRIES repeatedly told by many of us only to be ignored and mocked upon by the Chinese who think of themselves as the ONLY VICTIMS of the incident.



Have we forgotten what these people did to our very own OFWs who meted unjust sentences because other countries believe that our countrymen violated laws in their lands?



Have we forgotten what this HongKong journalist named "CHIP TSAO" said in his article about the Philippines being a nation of servants? If you haven't read it yet (I wonder how many haven't seen this article but for their benefit, i'm copy-pasting it here)



The War At Home March 27th, 2009

The Russians sank a Hong Kong freighter last month, killing the seven Chinese seamen on board. We can live with that—Lenin and Stalin were once the ideological mentors of all Chinese people. The Japanese planted a flag on Diàoyú Island. That’s no big problem—we Hong Kong Chinese love Japanese cartoons, Hello Kitty, and shopping in Shinjuku, let alone our round-the-clock obsession with karaoke. But hold on—even the Filipinos? Manila has just claimed sovereignty over the scattered rocks in the South China Sea called the Spratly Islands, complete with a blatant threat from its congress to send gunboats to the South China Sea to defend the islands from China if necessary. This is beyond reproach. The reason: there are more than 130,000 Filipina maids working as $3,580-a-month cheap labor in Hong Kong. As a nation of servants, you don’t flex your muscles at your master, from whom you earn most of your bread and butter. As a patriotic Chinese man, the news has made my blood boil. I summoned Louisa, my domestic assistant who holds a degree in international politics from the University of Manila, hung a map on the wall, and gave her a harsh lecture. I sternly warned her that if she wants her wages increased next year, she had better tell every one of her compatriots in Statue Square on Sunday that the entirety of the Spratly Islands belongs to China. Grimly, I told her that if war breaks out between the Philippines and China, I would have to end her employment and send her straight home, because I would not risk the crime of treason for sponsoring an enemy of the state by paying her to wash my toilet and clean my windows 16 hours a day. With that money, she would pay taxes to her government, and they would fund a navy to invade our motherland and deeply hurt my feelings. Oh yes. The government of the Philippines would certainly be wrong if they think we Chinese are prepared to swallow their insult and sit back and lose a Falkland Islands War in the Far East. They may have Barack Obama and the hawkish American military behind them, but we have a hostage in each of our homes in the Mid-Levels or higher. Some of my friends told me they have already declared a state of emergency at home. Their maids have been made to shout “China, Madam/Sir” loudly whenever they hear the word “Spratly.” They say the indoctrination is working as wonderfully as when we used to shout, “Long live Chairman Mao!” at the sight of a portrait of our Great Leader during the Cultural Revolution. I’m not sure if that’s going a bit too far, at least for the time being.



I enjoin each and everyone of us to STOP APOLOGIZING because we may not be aware that we are nearing to losing our dignity. ENOUGH HAVE BEEN SAID, please Filipino Brothers and sisters, maawa tayo sa sarili natin. Durog na ang puso ko sa mga pang-aalipustang ginagawa nila sa ating lahi.



It's about time we stand up as one, walk straight, and meet everybody squarely in the eye. We are Filipinos, proud to be Filipinos, and we will never denounce our being Filipinos.



I'm not saying we should fight back. JUST... STOP... APOLOGIZING. Remember that we are no less a people than the rest of the world. What happened should not diminish us as a nation.



We've said enough.



So... please.





<waki-ikaw> - a filipino, by blood, mind, body, and soul.

Back to top Go down

Post on Fri Jun 17, 2011 8:15 pm by waki

pinaka-walang kwentang note ito, totoo, pramis.
by Waki Ikaw on Saturday, September 11, 2010 at 11:24am

Masyado nang maraming nasulat tungkol sa pag-ibig at pagmamahal. At kung bakit nakikigulo pa ako ay 'di ko rin malaman ang dahilan. Naguguluhan na rin kasi ako. Masakit kasing isipin na ang taong pinag-uukulan mo ng oras, panahon, pagkalipas ng gutom, pag-oobertaym ng walang bayad, at dahilan ng pagkaapudpod ng daliri mo sa kakatipa ng keyboard o kakadutdut ng keypad ay iba naman pala ang kapindotan sa araw at gabi. Napakahirap isiping sa dinami-dami ng mga taong nakakasalamuha sa mundo ay nabighani ako sa isang kabigha-bighaning nilalang na iba naman ang gustong bighanihin... ang saklap. Kailan ba ako matututong tumanggap ng katotohanang kahit kailan any hindi na magkakaroon ng katuparan ang mga pangarap ko?



Hep! wag kang mag-react kaibigan.



Nananaginip lang ako. Gigising na ako, babangon, maliligo, at magpepesbuk... langyang buhay 'to.



Nakakasawa din pala ang tumunganga sa monitor maghapon. Makapaghanap na nga ng trabaho. Luma na ang damit ko, wala na sa uso ang sapatos ko, at higit sa lahat, galit na sa akin ang paborito kong barbero. Ilang buwan na kasi akong hindi dumadalaw at pihadong iisipin niya, dinadaya ko na siya kasi imbes na naka-anim na bayad na ako ng gupit sa kanya, minsanan na lang hehehehe!



Pagkatapos kong magpagupit ay dadaan ako sa kaibigan kong nagtitinda ng tokneneng at mag-oorder ako ng tatlong order, pang-almusal, tnaghalian, at hapunan. Sabi nila, nakaka hayblad daw ang tokneneng. Mas lalo akong mahahayblad kung pagdating ko sa puwesto ng tindero ay ubos na ang paninda niya at puro pisbol na lang ang natira. Pero maalala ko lang diyan sa mga ipinagbabawal na pagkain... sa tingin ko, sabi-sabi lang 'yun. Lahat naman kasi ng masarap, ipinagbabawal. Nasubukan mo na bang kumain ng manok na ang halo ay bunga ng kalabasa? O di kaya'y pinakbet na lasang tinola?



Sa aking pagmumuni-muni, naisip ko lang, bakit kaya ang daming mga walang trabahong gaya ko eh pagtingin mo naman sa magasin na job finder ang daming job vacancies? Minsan nga pinatulan kong puntahan ang isang ahensiya na nangangailangan ng pintor. Oo, pintor nga, bingi ka ba? Akala ko ang kailangan ay yung gradwet ng payn arts, kaya ginawa ko, pumunta ako sa recto upang magpagawa ng diploma, eh pagpasa kong aplikesyon, ko hayskul gradwet daw ang kelangan. Langya, hindi ako tinanggap? Nalaman ko sa sekyuriti guard, taga-pintura pala ng mga hawla ng ibon, wrought-iron candleholders, at krismas dekors na ititinda sa mga bangketa. Por piraso daw ang bayad ng subcontractor.



Langya kasing nakamotor yun at nagpabangga sa tapalodo ng bisekleta ko, kaya ayun, natulog ng isang linggo ang aking mahal na de-pedal... napilitan akong mag-komyut hehehe...pero enjoy din pala. pag gawa na ang tapalodo ng padyak ko, hahanapin ko ulit yung nagpabangga sa akin at repeat performance para may rason ulit akong mapagawi sa mga lugar na noon ko lang nadiskubre... Very Happy



Minsan, dumaan ako sa abenida, mga bandang alas nuwebe na ng gabi. Takut na takot ako kasi noon lang ako napagawi sa banda roon lalo at gabi pa. May kumalabit sa akin. Isang mamang malaki ang tiyan at tipong hindi pa naligo ng limang buwan. Amuy na amoy ko ang peborit na tutpeys ng mga taong grasa, ngunit himalang nakapagtimpi ako at hindi bumaliktad ang aking sikmura. Tanong niya sa akin... "Boss, Live show, dalawang daan lang."



Nagulat ako. Hindi ko akalaing ganoon na kagarapal ang industriyang iyon. Sabi ko na lang "Sori pre, wala akong pera". Anak ng kamote! Ayoko ngang pumasok dun, baka ako pa ang gawing modelo... tapos magre-raid, tapos madi-diyaryo ako kinabukasan? Huwag na lang!



Pero ano kaya kung pumasok ako doon? Ano kaya ang nakita ko? Ano kaya ang nangyari? O hindi nangyari? O di ba, mas maraming tanong pag hindi sinubukan? Hehehe...



O, siya, tinatamad na akong mag-isip. Marami na naman akong notifications, 54 na naman. Sa susunod na lang ulit ako magsusulat. Tinatagyawat na ang utak ko sa kakaisip kung ano ang dapat pang isulat dito... hanggang ngayon, wala pa rin akong maisip isulat. Hehehe... Ita-tag na lang kita.



Kung nabwisit ka sa pagbasa ng walang kakuwenta-kuwentang note ko na ito, sori ka na lang, di naman kita pinilit basahin eh, di ko nga alam kung bakit nai-tag kita. Kung hindi ka mag-like, ok lang din. Maglimutan na lang tayo. BWAHAHAH! (uy biro lang kaibigan...)



Di bale, kaibigan, sa susunod, pipilitin kong pagandahin, yun bang tipong maiinlab ka sa katabi mo sa dyip habang dinudutdut mo ang pesbuk sa selpon mong bagumbago. Para matuto akong pagandahin, mag-eenrol ako sa kursong dermatology... dahil hindi mo man naitatanong, idol ko si pareng hayden. Wahahah!



'Nga pala, baka gusto mo akong sundan sa website namin... matutuwa ako kapag makasama ka namin doon.

http://www.loveandromance.forum-motion.com/



O di kaya, laro tayo ng PVZ? Very Happy



O siya, salamat sa pagdalaw. Hanggang sa muli.





==================================================================================

<waki-ikaw> - nagsusulat ng mga walang kakuwenta-kuwentang sulatin sa kalagitnaan ng mga hunghang na sandali ng kanyang walang kabuhay-buhay na buhay.



==================================================================================

All rights reserved (bwahaha! panu ba mag-copyright?)

==================================================================================

Back to top Go down

Post on Fri Jun 17, 2011 8:16 pm by waki

buntonghininga at himutok
by Waki Ikaw on Tuesday, September 28, 2010 at 9:46am

kung ikaw ay bugnot, laging nakasimangot,

hindi solusyon ang pasagasa sa pison

meron pang lifeline: mangulit ng kaibigan

malamang ik'ay damayan, wag ka lang mangungutang.



peksman, seryoso ako walang halong biro

durog na ang puso tagas na lahat ng dugo...

pagsintang lumisan, mali-mali ang bintang

ngunit bakit di magawang galit ay umalagwa?



hanap ko'y nilalang na akoy maunawaan

malupit na kapalaran kailan kaya malilimutan?

mga hikbing impit, halakhak na pilit

dusa at pasakit, bakit di mawaglit?







<wakidok> nakakapagod magmahal, pwede bang mangarap na nakahanap ako ng taong ako naman ang mamahalin?

Back to top Go down

Post on Fri Jun 17, 2011 8:16 pm by waki

NAMBAAN, BINUGBOG, ken DINGUEN
by Waki Ikaw on Wednesday, October 13, 2010 at 9:49am

No kasta a mumalem, pagaayatmi a bantayan daydi Dios ti aluadna a lilang Tinang nga aggayat iti nambaan. No kastan a nakabunga diay saba ket saan kano metten nga agbunga manen no 'dimo a putden ti puon na. Dayta ti nambaan, daytay pinutedda a puon ‘ti saba. Mabalin kano pay daytoy a salbabida wenno no pagaabayen nga ubunen ket agbalin pay a rakit. Malagipko la ket ngaruden ‘tay istorya da sunggo ken pag-ong. Siasinno ngata pay ti saan a nakangeg ken dayta? Ken mano ngata kadin a bersion ti nakaisuratan na? 'Diak la ammo no adda daytoy kadagiti koleksion ni mang Aesop ngem awan siguro ta Pilipinon sa met ti nangaramid? Adda daytay extended a bersionna a kaayatak a mangngeg. Intono maminsan kon nga isurat ta atiddog unayen a basaen daytoy, pakabsabasolakto ketdi... apow aya! ;D



Ala, subliak man pay 'diay istorya ti nambaan amangan no malipatak. Nagpardas nga aggayat ti nambaan daydi lilang Tinang. Kalpasanna a gayaten ‘diay nasurok a dua a metro ti kaatiddogna a nambaan ket tadtadenna ‘ti napino. Ngem no kasdiay a masadut nga agtadtad ket lebbekenna lattan kadaytay alsong nga inregalo kano daydi agar-arem kenkuana a taga-San Esteban idi kabambannuaganda pay. Daytoy man kano gayam nambaan ti staple food dagiti tarakenna a burias. Peboritda kano. Diak laeng ammo ah no kasano a naammuanna a peboritda. Imbagada ngata kaniana? Amazing! wahehe...



Ngem napanunotko met laeng a mabalin a gapu iti pigsa ti sanapsap dagiti dinguenna no kastan a manganda,isu metten ti pangipagarupanna. Kasta kano idiay Japan (kunada met). No kano mapanka makipangan iti sabali a balay ket siguraduem kano nga agsanapsapka wenno no digo (soup) met ti maipasango ket siguraduem a nakintal daytay panangarub-obmo. “SLUUUUURRRRRP!” kasdiay. Tapno saan kano a ma-offend ‘diay nagluto. No ditoy Pilipinas, aglalo no idiay Ilocos, saan a mabalin dayta kasta ta ibagada a sarabusab ka, kasla baboy. Ti pay maysa a diak maipanunotan ti sungbat ket no apay a binababoy kunada no agaramid ti tao iti “narugit” wenno daytay haan a maikumbiyene iti kayat ti kaaduan. Kaasi met dagiti baboy... piman.



Apay man ta adda latta maibisli-bislin a 'patalastas'? Nagadu la ngamin unay a malaglagipkon. Sa pay ngarud ta no maanginan ‘tay natadtad wenno nalebbek a nambaan ket agsabali ti kolorna. Wen, oxidation kano ti awag iti kasdiay a proseso kuna ‘day mistra mi idi iti Kemistri.



Kuna ni lilang Tinang, Tapno kano agbalin a kanen ti baboy daytoy ket masapul a mapaburekan iti napaut, into no naluknengen ket sananto laokan ti tuyo, (daytay ngay by-product ti kiskisan), ken no adda tidtidda nga ittip, arasaw, wenno ammarayen (daytay naibilag nga innapuy a madi naibus, mabalin pay daytoy nga aramiden a puffed rice no dimo nakita a kinarkarayaman ti adu a ngilaw idi maibilag) ket presto! Binugbog Special! Kastan sa met laeng ti kinkinnan daydiay prodigal son (Bible) idi pinagtaeng da iti sidong dagiti baboy? Idi ngay naibusen diay kuarta na nga advance a tinawidna kenni tatang na nga ari? Isu met ti kuna diay katekista mi idi. Wen gayam, ‘diay katekista mi ket adu ti imbagbagana nga Bible Stories kadakami idi ubbingkami, ngem idi ammokon ti agukrad ti Biblia ket haanko met a masapulan dagidiay nga istorya. Kasla koma ‘diay istorya maipanggep kenni Judas a pinagbunagda iti batbato. Awan idiay Biblia daydiay. Intono kua payen nga isuratko ti nayon na dayta nga istorya, ket baka tattaynak pay la nga ip-ipasen ti kusilapmon nga agbasbasa ...wahehe.



‘Ti met pay maysa a pakaburiboran ti panunot ko idi ket… apay ngata ta pakpakanenda dagiti baboy ti naimas…er… wen, naimas kano 'diay binugbog a nambaan, sadanto met la ngurongoren ti tengnedna intono adda agpabuniag, agtabon, agpanyang, wenno agkasar? Kakaasiak la a mangtaptapal kadagiti lapayagko no kasta a pumarbangon nga adda paikkisenda a baboy. Kas man la ubing nga agpakpakaasi a saanda a patayen! Makasangsangitak no kua ta kasla man umukuok iti kararwa ti sangsangitna a napalalo … ngem intono nagsardengen ‘diay ariwawa, ali ket bulonkon nga umasideg kadagitay angkel ken kakasinsinko nga artek, ta ammok a kabayatan iti panagilgatda kadagiti karne a maisagpaw kadagiti usual a menu – nga iti haan nga absent ket dagitay dinardaraan, igado ken taba nga mailuto iti atsuete - adda metten tinuno a karne a pulpulotanenda, daytay maisawsaw pay iti presko a dara. “Naimas, lakay!” kasta ti panang-describe dagiti uray sinno a malalaki idiay lugarmi ti pagdamagam. Wen, naimas, siak payen ti mangibagbaga.



Naimas ti makipulutan kadaytay kankanen dagiti mammartek. Diak man la ninamnama nga isu gayamen ti nangrugiak a nagpraktis iti kinamammartek. Basi man pay! (hik!) Naimas met ti basi a naggapu idiay San Ildelfonso. Haamman, agpayso. San Ildelfonso ti nagan diay lugar, uray kitaenyo ‘diay nakasurat iti karatula na iti nagbedngan da ken ‘diay ili a Bantay.

Back to top Go down

Post on Fri Jun 17, 2011 8:18 pm by waki

Ang Supplier Ng Palaso Ni Kupido...
by Waki Ikaw on Friday, October 15, 2010 at 6:50pm

Ang isang relasyong pinagbuklod ng pagmamahalan ay maaaring tumibay kapag humantong sa simbahan, o kasalan. Pero, nguni't, subali't, datapwa't... Papaano kung sa kalagitnaan ng pagsasama ng mag-asawa, ang relasyong ito ay napipintong mawasak?



Pag-ibig... ninanais ka ng sinuman. Walang kasing-saya nararamdaman sa puso ng isang umiibig, lalo na kung batid niyang mahal din siya ng kanyang iniibig. Sa murang edad ay maaari nang makadama ang isang tao ng kakaibang pagpapahalaga sa isang nilalang. Umuusbong ang damdaming sa umpisa ay pagtatangi lamang, na kung papalaring mabigyan ng pagkakataon ay maaaring tawagin itong pag-ibig.



Pana ni kupido. Napakaswerte naman ng supplier dito, siguro yung pinakamayaman sa mga "ilyonaryo" yun nag itatawag ko sa kanya, at siguro, kung nagbabayad lamang ito ng tamang buwis ay siguradong wala nang bansang maghihirap...solved na sana ang lahat ng mga problema sa kahirapan saanmang sulok ng mundo.



Sa palagay ko nga, ang pag-ibig ay isang kathang-isip lamang... isa sa mga kathang-isip na totoo...at upang magkaroon ito ng mas buhay na kahulugan ay ginamit na simbolo ang puso, ang gitnang bahagi ng katawang tumitibok sa bawa't damdaming nararanasan.



Kaya kaibigan, never underestimate the mind when it comes to its power to create things out of nothing...may mga bagay (o hindi bagay) tayong hindi nakikita ngunit pinaniniwalaan nating totoo... isa na diyan ang pag-ibig.



Ngunit sadya yatang mapaglaro ito, dahil kung sino pa ang tunay na magkapalad ay sadyang hindi nagtatagpo sa tamang panahon. Kung kaya't maraming relasyon ang nawawasak dahil kapag nagtagpo ang mga ito ay hahamakin ang lahat, masunod lamang ang sa tingin nila'y nararapat.



Napakaganda ng aming diskusyon sa isang wall status ng kaibigan nating si Charibel Salviejo kahapon patungkol sa ag-ibig na inuumpisahan at hindi pinaninindigan ... nais kong ipagpatuloy ang naumpisahang diskusyon dito, dahil inaakala kong marami pa tayong ibang mga kaibigang makakausap.



Ngunit mas binabagabag ako ng isiping maraming nawawasak na pagsasama dahil sa pagdating ng mas magandang pangako ng pag-ibig sa ibang mga tao... at maaari ring mangyari sa isa sa atin... kung piliin kang patamaan ni Kupido ng kanyang palaso... dahil noong una kang nagmahal ay hindi pala galing ang palaso sa kanyang pana?



Sagrado ang kasal...panghabambuhay ito na pagkakatali ng dalawang puso at magsusumpaang mamahalin ang isat-isa sa hirap at ginhawa.



Pero ano nga ba ang pundasyon ng kasal?



Hindi ba't pag-ibig?



Pagmamahalan ng dalawang taong nangakong magsasama sa hirap at ginhawa... at iba pang pangakong binitawan sa harap ng altar.



At papaano kapag ang mga pangakong ito ay hindi natupad? Napabayaan at nagkalamat ang relasyon, na napipinto nang mawasak. Magagawa bang salbahin ng kapirasong papel ang pagsasama kung saan sinaniban na ng panlalamig, pagkamuhi, o poot ang puso ng dalawang dati ay nagmamahalan dahil hindi na sila magkasundo sa maraming bagay?



At papaano na lang kung may mga supling sila?



Ang hirap 'di ba?



Ang daling magbigay ng payo:



Hangga't kaya pa... pag-usapan, ayusin...kuwag pabayaang humantong sa puntong mawalan sila ng respeto sa isat-isa.



At papaano nga kung pakiwari nila'y wala na silang respeto sa isat-isa, bilang tao? Hindi kaya siguro dapat ay mag-isip na rin sila?



For the sake of marriage.. for the sake of the children... hindi maganda ang broken family... kaya nagtitiis na lang silang magsama habang sila'y nabubuhay.



Subukan kaya nilang iuntog ang kanilang ulo ... dahil baka sa tinagal-tagal ng panahong nanatiling walang ginagawa o hindi ito nag-iisip... tumigil na pala sa pag-proseso at pag-usisa kung alin ba ang tama at ang mali.



Mali nga ba'ng magdesisyon na lang silang maghiwalay, dahil ang pinagbuklod ng Diyos ay hindi maaaring paghiwalayin ng tao? Papaano kung nagkakasakitan na sila? Araw-araw na nag-aaway? Nagsisisihan? Nagbubugbugan? Magititiis pa rin ba sila? for the sake of marriage? Hindi ba't niloloko na lang nila ang kanilang sarili niyan?



Pagkatapos, may darating na ibang taong sasalba sa pusong sugatan... dapat ba itong ipagtaboy? Papaano kung siya pala dapat ang naging kapalad niya, kung nakapaghintay-hintay lamang ng kaunting panahon?



Hindi ko ipinipilit na tama ako, dahil alam kong maraming naniniwala sa batas ng simbahan.



"Thou shall not commit adultery".

Ngunit masisisi mo ba na maghanap ng kaligayahan sa piling ng iba ang taong naghahanap ng tunay na pagmamahal?



Tama lang na subukang isalba ang isang pagsasama.



Pero mas mali naman siguro na nabubuhay kang hindi na maligaya.



........



(disclaimer: basta disclaimer ito...wahehe... kaibigang nagbabasa nito, hindi ako nagpaparinig, general po ang basehan ko. kung nagkataong nandiriyan sa mga nabanggit ko ang sitwasyong dinaranas mo ngayon ay hindi ko sinasadya, dahil sa totoo lang hindi ako nangingialam sa buhay ng may buhay, dahil ayaw ko ring mapakialaman ang buhay ko wahehehe... maliwanag yan. ginawa ko ang sulating ito para lang may pag-usapan. higit sa lahat, hindi ito istorya ng buhay ko... wahehe)





<wakidok> weeeeeeeehhhaaawww!!!! expecting lots of violent reactions this time.

Back to top Go down

Post on Fri Jun 17, 2011 8:19 pm by waki

batu-bato ... sa langit?
by Waki Ikaw on Tuesday, November 23, 2010 at 8:33am

(subukan ko nga lang mamulitika saglit... hehehe)



Ang pangulo ng Bansang Pilipinas, sa panahong ito.



Anim na taon ang kanyang termino. ALAM NIYANG may katapusan ito. ALAM NIYA kung kailan ito matatapos. ALAM NIYA kung hanggang saan ang kapangyarihang kaakibat ng pagkakahirang sa kanya nang mailagay siya sa puwesto.



Sa loob ng anim na taong ito, kung saan ipinagkatiwala sa kanya ang pagkakataong ibigay sa bansa ang PAG-ASA sa pinapangarap nating katiwasayan, progreso, at kasiyahan, hindi ba't marapat lamang na ibigay natin sa kaniya ang LAHAT ng pagkakataon upang subukan niyang gampanan ang ipinataw na responsibilidad bilang tagapangalaga ng kapakanan ng ating bansa? After all, he was "chosen" by the "people".



Base kasi sa sarili kong pang-unawa, ang pangunahing misyon ng isang pangulo ng bansa ay ipatupad ang mga batas nito, maging kinatawan ng ating bansa sa mundo, at ang higit na kailangang bigyan ng importansiya ay ang TULUNGAN ang bansa upang mailabas at malinang nito ang kanyang POTENSIYAL para na rin sa ikabubuti nito. Ginamit ko ang salitang "tulungan" dahil ayaw kong isiping ang isang pangulo ay palautos na nilalang. Iba ang Hari sa Pangulo. Ang pangulo ang pinagkakatiwalaan ng bansa upang bigyang-katuparan ang mga pangunahing pangangailangan nito, kasama na ang pag-aaruga sa kapakanan nito.



Sino ba sa atin ang tunay na nakakaalam kung ano talaga ang EKSAKTONG PLANO ng ating pangulo para sa bansa kung hindi SIYA lamang? Kahit pa mayroon siyang "kanang kamay" ay hindi pa rin nito alam nang lubusan kung ano ang laman ng isip ng ating pangulo. Alam natin ang kaniyang plataporma, nguni't maniniwala ka ba sa akin, kaibigan kung sabihin kong baka sa unang araw pa lang ng pagkakita niya ng tunay na nangyayari sa kanyang mismong tanggapan ay baka nabago na ang ilan? Dahil nandoroon na siya, NAKITA NIYA MISMO kung ANO ang kailangan ng ating bansa... at dahil isa siyang tao, naniniwala ako na mayroon siyang KONSENSIYA upang PANGALAGAAN ang interes ng bansa.



Isa ako sa mga hindi bumoto sa kaniya. Hindi ko siya gusto, dahil mayroon akong paboritong kulay, at ang pangalang kaugnay ng kulay na iyon ang isinulat ng aking bolpen noong araw ng eleksiyon.



Nguni't ako, bilang isang nagsusumikap maging mabuting Pilipino, dahil pinili si Pangulong Noynoy ng mga tao, marapat lamang na suportahan natin siya, hindi ba? Kailangan nating IGALANG ang PASIYA ng mga pumili sa kanya na kumakatawan sa mas malaking bahagi ng ating voting population.



Pinipilit kong paniwalain ang sarili ko na mayroon siyang alam, mayroon siyang alam gawin, mayroon siyang pusong Pilipino, at mayroon siyang magandang pangarap para sa ikabubuti ng bansa.At bilang isang isang ordinaryong mamamayan, nagtatrabaho ako para sa ikabubuti rin ng aking sarili, AT NAGBABAYAD NG TAMANG BUWIS na tumutulong sa bansa upang maitaguyod nito ang mga adhikain at proyekto. Hindi ako nagsasalita ng masama tungkol sa gobyerno at hindi ko pinag-iisipan ng masama ang gobyerno, dahil hindi ko naman ito saklaw. Oo nga't ang mga nakapuwesto roon ay kinakailangang maging utusan ng publiko, hindi ko uubusin ang oras ko sa pagbatikos at pagbato ng mga kung anu-anong akusasyon at paninira ang mga nasa puwesto dahil higit sa lahat ay may batas namang umiiral sakaling sila ay nagkasala at umabuso sa ibinigay na kapangyarihan.



Wala pa siyang isang taon sa puwesto. Anim na taon ang kailangan upang ipakita ang kanyang kakayahang pangalagaan ang kapakanan ng bansa... hindi ba talaga natin ito kayang ibigay sa kanya?Kung mas magaling tayo sa kaniya, bakit hindi na lang tayo ang pumalit sa kanyang puwesto? Baka mas maganda pa nga siguro ano?



Mayroon naman yatang facebook account ang pangulo eh... (hindi ko nga lang alam kung poser account yun). Kung sakaling lahat tayong hindi bumoto sa kanya ay lumagda (pumirma) sa isang sulat-protesta at ipadala sa inbox niya... o kung gusto nating masabihang "matapang" o "may matatag na paninindigan", o "matuwid (righteous)" ay i-post sa kanyang wall ang ating mga protesta at hinaing, gamit ang TOTOONG pangalan at mukha natin! Kung hindi natin magawa, kaibigan, wala tayong karapatang magsalita. Dahil sa totoo lang, napakahirap ang mapahiya, unless hindi mo pa ito naranasan. Kung iisipin natin ang collateral damage... malamang... baka pati tayo ay magsisi kapag nakita natin kung ano ang kahihinatnan.



Ilang presidente na ba ang pilit nating prinotestahan at pilit pinabababa sa puwesto? Noong pinaalis natin si Apo Marcos? Gumanda ba ang takbo ng buhay ng mga nagsipuntahan sa EDSA? Noong pinaalis si Erap, ano ba ang nangyari? Yumaman ba ang mga sumama sa "People Power 2"? Noong nandiyan si Madam Gloria, hindi ba't pilit din siyang pinoprotestahan? Ang mga nagrereklamo, ano ang nangyari sa kanila? Gutom! Dahil inuna nila ang pilit na paglilinis sa bahay ng kanilang kapwa kaysa ayusin at lisinin ang sarili nilang bakuran! Sa totoo lang, natatawa ako eh. Ang tao nga naman, walang kasiyahan. Walang magaling kung hindi ang sarili lamang. Tsk.. tsk... tsk...tsk...



At ang media... walang pakundangang maglabas ng mga kung anu-anong mga bagay na hindi muna pinag-iisipan... marami tuloy ang napapahamak... iiling na lang ako ng iiling. Bakit nga kaya likas tayong pakialamero sa mga bagay na hindi naman natin sakop? Huuuuu! andami ko na namang naglalabasang tanong... AYOKO NA! Ayoko nang bumili ng diyaryo, ayoko nang manood ng news sa TV, ayoko nang magbasa ng mga FB links ninyo sa mga balita...



Basahin ko na lang kaya ang horoscope ko, at least, araw-araw, nag-iiba naman yata ito, kahit alam kong pinaikot lang sa zodiac. Uhm... sa ibang pagkakataon, maganda siguro ring magbasa minsan ng showbiz balita, manuod ng anime, o balikan ang aking lupain sa farmville... ;D may bago bang games ngayon sa FB? Hhuuuuu! Nakakaburyong ang maging Pilipino talaga...



Pero mahal ko ang pilipinas. Mahal na mahal. Hindi ko ito ipagpapalit sa kahit na anong bansa, kahit ikamatay ko pa. Gawing presidente si Pacman? Y-nat, kokonat? Ang saya lang siguro netuh... nabasa ko nga sa isang comment sa status ni pareng L Jane kanina (puntahan ninyo... ayan ha, may porsyento ako sa toll fee pare ;D), gawin na lang boksing ang labanan sa pagka-presidente? Palitan ang Konstitusyon at ipatupad ang batas, bakit hindi? Hehehe... Ang lupeeeeetttt! Hekhekhek! Pero... por pabor, patapusin siya sa termino, igalang ang konstitusyon hangga't hindi pa ito napapalitan.



Sana, bumuti na ang Pilipinas. Magkaroon ng katahimikan at mabigyan ng pagkakataon ang mga hinalal upang patunayan ang kanilang kakayahan. Kung bumoto ka noong eleksiyon ng pagka-pangulo, kaibigan, magsalita ka, ilabas mo ang iyong hinaing, may karapatan ka. Kung hindi ka bumoto dahil kinalimutan mo na ang pagiging pilipino sitisen mo (puwera du'n sa mga hindi lang nabigyan ng pagkakataon sa anumang kadahilanan) ... bakit ka dakdak ng dakdak?



Harinawa...magkaroon na ng katahimikan ang ating bansa. Kawawa naman. Karapatan din niyang ngumiti para sa panibagong pag-asa. Huwag sana nating harangan ang nagnanais maging katuwang sa posibleng pagbabago nito...



Pakiusap sa mga kapwa ko Pilipino...magtiwala tayo sa napiling pangulo upang mabigyan siya ng pagkakataong magampananang kanyang tungkulin... ang kanyang misyon. Irespeto natin ang pasiya ng bayan.



Marami pa sana akong gustong sabihin... kaya lang inaantok na ulit ako. Makapagkape nga muna.

Sa mga hindi ko nai-tag, huwag sana kayong magtatampo. Hindi ko kayo nakalimutan, kulang lang ako sa tagging facility at dahil alam kong hindi ninyo ako matitiis, kahit wala kayong pangalan dito, pupunta pa rin kayo para magkoment. ;D



Any violent reactions? ;D





©waki-ikaw

23 Nov 2010

Back to top Go down

Post on Fri Jun 17, 2011 8:20 pm by waki

wala itong pamagat... para ito sa bayan kong minamahal
by Waki Ikaw on Wednesday, November 24, 2010 at 6:23pm

Maganda ang sikat ng araw. Nagpapahiwatig ito ng pagsibol ng panibagong yugto sa kasaysayan ng aking lupang sinilangan. Nagising siyang nakahilig sa balikat ng pag-asang kasabay niyang namahinga sa buong magdamag. Dala ang sumilay na ngiti sa labi, bumangon at puno ng pagmamalaking iwinagayway ang watawat ng katotohanan.



Tumayo siya at buong pagkamanghang nilunod ang diwa sa ganda ng tanawin ng sariling kapaligiran. Walang mapagsidlan ang galak na tumingala at pinagmasdan ang kanyang langit na binudburan ng mga kalat-kalat at ibat-ibang hugis ng mga ulap. Pakiwari niya'y sumasabay siya sa manaka-nakang nagliliparang mga ibong halatang ninanamnam ang tunay na kalayaan... kalayaang pumili ng mayabong na punong maaari nilang dapuan. Malinis at malamig ang simoy ng hanging humahaplos sa kaniyang mahamog na lupaing kinatatayuan ng mga halamang dinilig ng banayad nguni't magdamagang ulan.





Ahh... luntian! Ito ang tanging kulay na maaaring pumukaw sa aking tulog na diwa. Ang kulay na bumubuhay sa mga larawang buong pagmamahal na iniukit ng kalikasan. Napakasarap pagmasdan ang kaniyang kabukirang napapaligiran ng mataas at mayabang na bulubunduking inaagusan ng mga talon, ilog, at batis. Ang mga anyong tubig na kapag umuulan ng malakas ay nagiging simbolo ng walang kapagurang paglilinis sa mga kalat ng di na mabilang na kaganapan sa mga panahong nagdaan. Sa payapang panahon, ang tubig nila'y singlinis ng salaming kayang aninagin ang kaibuturan ng damdamin ng nilalang na tatayo sa malapitan.





Nakayakap sa kaniyang buong katauhan ang pangarap na nais niyang iparating sa sambayanan. Hiling niya'y marinig ng mga tao ang kanyang hinaing...ang mga bagay na isinisigaw ng kanyang puso, isipan, at damdamin. Hindi niya alintana ang alinmang nagbabadyang unos na maaaring magdulot ng sariling kapahamakan, dahil ang tanging nasa isip niya ay kailangan niyang bumangon, lumaban, at maglakad ng buong tapang upang ipaabot sa madla ang walang kamatayan niyang pagsusumamong unawain ang mga adhikaing matagal na nahimlay sa kawalan ng sapat na puwersa at tinig. Hinding-hindi na siya manghihina, dahil sa pusong inaring tahanan, nandoroon ang walang katapusang pagdaloy ng libo't isang boltaheng lakas ng loob, tibay ng damdamin, at walang hanggang pang-unawa.



Matagal na panahon ding pinag-isipan kung susuungin niya ang landas na akala niya'y hindi na muling masisilayan. Batid niyang sa paglipas ng panahon ay naging baku-bako na ito at natigang. Salamat sa mga mapagsamantalang dayuhan at mga taumbayang mas piniling manirahan sa ibang bansa at kalimutan ang tatak ng lupang kanilang pinagmulan. Pinabayaan siyang malugmok, lurayin ng mga kuko ng agila, lapangin ng mga leon, na pagkatapos tapak-tapakan ay itinapon na lang basta sa kawalan. Naratay siya sa karamdamang hindi batid ng buong sambayanang sila pala ang pangunahing dahilan. Sa gitna ng kalungkutan at panghihina, pilit na inalo ang sarili sa titik ng mga tula at awiting isinilang sa hibla ng malikot at mapanlikha niyang kaisipan. Ngayo'y nakahanda na siyang harapin ang anumang pagsubok sa kaniyang daraanan.





Gising na ang aking inang bayan. Lalakad siya, kasama ang punong hinirang ng madla. Pilit nilang ibabangon muli ang mga pangarap na kahapon lamang ay nasadlak sa kabiguan. Kanilang bubunuin ang masalimuot na daan tungo sa pagbabago, dala ang pag-asang simula sa araw na yaon...hindi na siya papayag na muling masaktan ng mga mapag-imbot na isip at katauhan.





Gising na ang mahal kong bayang Pilipinas. Kasama niya kaming gagapang kung kinakailangan, maisulong lamang at maumpisahang linangin sa aming kaisipan ang kahalagahan ng kaniyang mga pangarap. Sasamahan namin siya sa paglalakbay tungo sa minimithing kaunlaran.





Harinawa...



Mabuhay ka, mahal kong Pilipinas.







©waki-ikaw

24 Nov 2010

Back to top Go down

Post on Fri Jun 17, 2011 8:20 pm by waki

parmbil
by Waki Ikaw on Friday, December 10, 2010 at 1:28pm

nagmulaak ti repolyo

mano kabatog a repolyo

anianto ngata ti presio

inton' mabalin nga ilako?



nagrigat gayam ti agtalon

ibturan pay tarindanum

ngem ala an-anusakon

pangikkat la ti buryong



ditoy bangkag awan ti imot

aglaylayus kadagiti sagut

saanda a baraten ti lako

bumaknangka ditoy, kabsatko



ngem anian ta daksanggasat

ay-ayam met la a nalatak

no kastoy kalaka ti agbiag

awan koman ti marigrigat!





©waki-ikaw

10 Dec 2010

Back to top Go down

Post on Fri Jun 17, 2011 8:21 pm by waki

Tanong ng isang buryong...
by Waki Ikaw on Friday, December 17, 2010 at 6:19pm
Facebook...ano ka nga ba? biyaya o sumpa?

Hehe...

Back to top Go down

Post on Fri Jun 17, 2011 8:22 pm by waki

i didn't write this... but i want to share it
by Waki Ikaw on Sunday, December 19, 2010 at 11:23am

I RISE



You may write me down in history

With your bitter, twisted lies,

You may trod me in the very dirt

But still, like dust, I'll rise.



Does my sassiness upset you?

Why are you beset with gloom?

'Cause I walk like I've got oil wells

Pumping in my living room.



Just like moons and like suns,

With the certainty of tides,

Just like hopes springing high,

Still I'll rise.



Did you want to see me broken?

Bowed head and lowered eyes?

Shoulders falling down like teardrops.

Weakened by my soulful cries.



Does my haughtiness offend you?

Don't you take it awful hard

'Cause I laugh like I've got gold mines

Diggin' in my own back yard.



You may shoot me with your words,

You may cut me with your eyes,

You may kill me with your hatefulness,

But still, like air, I'll rise.



Does my sexiness upset you?

Does it come as a surprise

That I dance like I've got diamonds

At the meeting of my thighs?

Out of the huts of history's shame

I rise

Up from a past that's rooted in pain

I rise

I'm a black ocean, leaping and wide,

Welling and swelling I bear in the tide.

Leaving behind nights of terror and fear

I rise

Into a daybreak that's wondrously clear

I rise

Bringing the gifts that my ancestors gave,

I am the dream and the hope of the slave.

I rise

I rise

I rise.



(this poem was written by maya angelou in 1978. the words have also been transformed into lyrics, by Ben Harper)

Back to top Go down

Post on Fri Jun 17, 2011 8:22 pm by waki

BAYRUS (Sinsinan-Daniw)
by Waki Ikaw on Tuesday, December 28, 2010 at 11:45am

inkisapnan a rinamaram

dagiti naglingling-etak

a dinamili a balikas

iti mano a bulan



kas man diay pannakatupek

di atepmi a pan-aw

idi ubingak pay laeng

a silalabus ken butegbutegan.

Back to top Go down

Post on Fri Jun 17, 2011 8:23 pm by waki

ingles na note (hehe trying hard)
by Waki Ikaw on Saturday, January 1, 2011 at 7:30pm

This note was inspired by the video that I created and posted in the Abode of Love and Romance on the last day of 2010, upon the request of a very good friend of mine.



The video speaks of the fear a person who is so much in love to lose his/her 'object of affection', because he/she won't know what to do once the 'object' is gone.



http://www.facebook.com/notifications.php#!/video/video.php?v=181841368501641&oid=104396432949397&comments



Looking back on the year that was, all abode has been talking about the greatness of love, the beauty of love, its infinity, it having no boundaries, that it stays to give life and beauty in each creation, and many wonderful topics and discussions that stirred one's imagination, while others fell in love with love, and still others realigned their thoughts and became convinced of love's perfection.



Out of His love, God created the world. He has in Him an endless flow of beauty, goodness, justice, life, and love. Since the beginning of time, He caused each creation to spread this love that today we're freely, ceaselessly, and seriously talking about.



Similarly, but not parallel to, God's intention, we create because of love. We love music, hence we create poems that eventually turn into songs by adding a melody or, simply leaving them to be read as they are. We love art and literature hence we draw, sketch, carve, paint, write essays, stories, novels, and many more. We love ourselves, hence we want to reach our goals...our ambitions, so we dream, we aspire, we imagine, we work hard.



These are simple things that because we love doing them, they become simple pleasures that could illumine our hearts, giving ourselves an aura of confidence that adds to our sense of fulfillment and eventually... happiness. These are all creations that become an integral part of our being, they make us whole. We live with them each day with pride and we wear smiles on our faces each time we see them doing good, or making others happy.



What will happen if these creations...these dreams...these hopes and aspirations...were taken away from us? or are broken? or are destroyed?



In love, we create. The feeling that comes from within is created by the heart. When given to someone, and was accepted, appreciated, and nurtured, we are happy. We live each day, wanting the happiness to last even after the end of time. We make promises, vows, we regroup our thoughts and start dreaming, the object of our affection included in our daily routine. Being with, or thinking about the person we love, we look at life to be full of pleasant surprises.



Some good things never last. Life, even though how beautiful it is, it ends in death. A story has to end. But God is Love, and God is immortal, hence Love is here to stay.



Love never fails. Only lovers fail, because we are only human. We have flaws, we err. When things go wrong and we come to realize that the love we have was rejected, taken for granted, or taken advantage of, we would feel devastation, frustration, and despair. When somebody we love dies or a thing or person dear to us, or one of our creations were taken away from us, it's as if part of us is gone forever, hence we grieve, we mourn, we lose hope. Oftentimes, we needed people we love and trust to console us.



Weeping is a form of purification...self-redemption... because in crying, we let our hearts do the talking. Tears are words that mean so many things, but I believe that they are shed as an expression of love. We do not cry over things that are not dear to us, because we simply do not care. We cry when we get angry not because we are crying over somebody who has offended us, but because something important to us was hurt... it could be our pride or any other else, but nevertheless, we value it so we cry over it.



That's how it means when we fear to lose somebody whom we love. We fear that we could no longer find another to give our love to. Its as if our hearts were taken away by this person, that cause us to shy away from anything that concerns love. We fear of giving love again because we already know how painful it is.



I happened to read a wall status (I'm sorry I didn't manage to get the name of the FB friend) it said: "I prefer to give my love to somebody who has already been brokenhearted, because she already knows how painful it is, hence will never break my heart".



I wish we all think as above, especially the men who value the thought of being the "first man" in a woman's life.



In a breakup, we didn't lose. We simply gave away a part of us to the person whom we think deserves our love the most. We should be thankful for everything that happens to us because each lesson could make us better persons. We grow.



Love will stay, even without romance. Should there be time that I and the girl of my dreams part ways, I shall always be thankful to God, for the moments spent with her, the time she spent in making me feel important, in sharing me her dreams, and her life.



Yet since true love will find its way back to our hearts, I shall be hoping that she will find me again. Unril then, I shall be me, and I shall be who I am. I shall long for her...wait for her to come by and find me again... to let me reside in her heart... again.



Love is infinity manifest in one's heart. It never dies.



©01/01/2011 - waki

Back to top Go down

Post on Fri Jun 17, 2011 8:23 pm by waki

gaano ba kahalaga ang malaman mong mahalaga ka?
by Waki Ikaw on Thursday, January 6, 2011 at 2:32pm

ito ay orihinal na sagot ko sana sa isang koment sa status ko ngayong araw... nguni't nalibang ako sa pagtatayp at medyo napahaba. ginawa ko na lang na note. eto ang status ko: http://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=179236162099592&id=100000273381540



naranasan ko kasing ma-reject, isnabin, at alipustahin ng ibang tao... at ng iba pa... at alam ko kung gaano kasakit ang dulot ng mga ito. at ipinangako ko sa aking sarili, hindi ko sila gagayahin, hindi ko gagawin sa iba ang ginawa sa akin ... hangga't hindi ako kinakanti.



at dahil alam ko ang sama ng loob na maaaring idulot nito ay ginagawa ko sa abot ng aking makakaya na pahalagahan ang bawat pangyayari sa akin dito sa mundo ng makabagong kababalaghan...



sa munti kong pamamaraan ay gusto kong ipadama sa mga kaibigan ko at sa mga lugar na napupuntahan ko kung gaano ako nagpapasalamat sa pagtanggap sa akin.



hindi nga ba't napakasarap sa pakiramdam ang mapahalagahan? kagaya ng mai-tag ka sa isang status, note, photo, o video... iba ang hatid nito na saya sa puso, dahil naalala ka ng kaibigan mo. ang masagot o ma-like ang status o koment mo dito... hindi ba't nakataba ito ng puso?



ang pag-like at/o pag-acknowledge sa mga ito ay hindi naman kailangan ng mahabang oras, kapalit man lang ng effort nila na nagbigay niyon sa atin.



inaamin ko, hindi ko rin nasasagot o naa-acknowledge lahat ang mga binibigay at patungkol sa akin... pati na mga imbitasyon,kaya ang mga iyon ay binabalikan ko sa mga oras na wala kong masyadong kausap. kung minsan, pinapasok ko ang mga notes ng mga kaibigan ko at nakikibasa, o di naman kaya ay nakikinood sa kanilang mga litrato, at ang kanilang mga videos na pinaggagagawa.



sa ating munting paraan, hangga't kaya pa natin, hindi masamang magbigay ng kahit simpleng post, o kahit mag-like lang, tanda ng pasasalamat sa mga taong nagpapahalaga sa atin.



sa pakikisalamuha dito sa facebook, nakikilala natin ang bawa't isa sa paglipas ng mga araw, o linggo, o buwan, at habang gumaganda ang pagkakaibigan, nalalaman natin ang mga ugali ng mga kausap natin. at nalalaman natin kung ano ang ayaw at gusto nila. at kapag nalaman natin, hindi ba't napakaganda kung ang isang bagay na ayaw nilang gawin sa kanila ay hindi talaga natin gagawin sa kanila? na irespeto kung ano ang desisyon nila?



kapag bigla mo akong dinalaw sa aking wall at nagpost ka doon, kaibigan, asahan mo... ibayong saya ang dulot noon sa puso ko.



at isang napakasayang sorpresa sa akin, kaibigan, kung kahit hindi kita nai-tag sa aking note ay bubuksan mo ito, babasahin, ila-like, o mag-iwan ka ng komento.



maraming salamat sa lahat ng mga kaibigan ko. kayo ang dahilan kung bakit nandirito pa rin ako sa pesbuk...

Back to top Go down

Post on Fri Jun 17, 2011 8:24 pm by waki

Senti sa Ulan... Dos
by Waki Ikaw on Thursday, January 13, 2011 at 11:16am

Kaibigan, na-miss mo ba ako? Ako, miss na miss na kita. Ang tagal na kasi nating hindi nakapag-usap. Pasensya na kung medyo nawili ako sa mga ibang bagay nitong mga nakaraang mga araw (araw nga lang ba?). May mga mas importanteng bagay kasi akong inasikaso, mas importante kaysa paggawa ng mga notes na ganito, aktuwali, mas importante kaysa sa lahat, oo, kaysa sa lahat.



Basta, pakiramdam ko kasi, bigla kitang na-miss kausap. Sana, andiyan ka pa...sana hindi mo pa ako iniiwan...o iniiwasan...



Pasensya na... umuulan kasi kaninang pagbangon ko...basta... wala lang... may naalala lang ako.



Uhm... paano ko ba umpisahan...?



Senti?... Di nga ba inumpisahan ko nang magsenti? Bagung taon na bagung taon nga senting-senti ako eh... di mo ba naalala? Kasi hindi kita nakausap, dahil may mga kausap kang iba. Nag-iisa lang ako noon sa bahay. Nagload pa naman ako ng marami dahil sabi ko tatawagan kita... kaso... di ko nga pala alam ang number mo, dahil hindi ko naman pala kinuha... sabagay, masarap manood noon ng ... fireworks... uhm... ano ba... dumadami yata ang naaalala ko habang tumatagal...



Sige na nga, magsusulat na ako... para sa iyo, para sa atin, para sa lahat... oo para sa lahat, at ano pa nga ba ang isusulat ko kundi ang paborito kong paksa... na kahit tulog ay para pa rin akong dilat? Ang saya sana, di ba?



Sige na nga, umpisahan ko na... baka iwanan mo ako bigla...mamaya na ang inumin at pulutan... ililibre kita. Doon tayo sa dampa.



Uhm...paano na nga ba mag-umpisa? Sige na nga...Di ko pa kasi alam kung ano ang paksa, kaya umpisahan ko sa...puso, dahil dito nag-uumpisang mabuo ang mga nais iparating ng damdamin.



Kapag umiibig ang tao, lahat ng tingnan niya ay maganda, maayos, matino, dahil ito ang nararamdaman ng kaniyang puso. Naipadadama niya sa mga nasa paligid kung gaano siya kasaya.Nagagawa niyang umawit kahit wala sa tono, at sa bawat bigkas ng mga kataga ng awitin ay damang-dama ng makakarinig ang bugso ng damdaming napapailalim dito. Pilit niyang binabago ang sarili, tinatanggal ang mga inaakalang maling ugali, dahil nais niyang lalo siyang mapamahal sa sa taong iniibig. Hindi niya alintana ang puyat, pagod, at gutom, dahil mas mahalaga kaysa sa mga ito ang mga sandaling kasama o kausap niya ang kaniyang irog.



Nguni't hindi naman iyan ang paksa ko sa note na ito. Masyado na kasing binuburyong ang utak ko upang lalo ko pang buryungin, sa pag-iisip kung ano pa ba ang dapat isulat diyan na alam ko, alam ng nagbabasa, ng nakikibasa, ng magbabasa pa lang, ang mga hindi makakabasa, at hindi marunong magbasa, na sa ibang mga pagkakataon, o panahon, makakaranas ang taong nagmamahal ng pagdurusa, pasakit, hirap ng kalooban, o sama ng loob... Lintek talaga oo! (oppsss... sori sa pagmumura... hehe). Pasaway na mga daliri ito. Sinabi na kasing ibang paksa eh ibinalik pa rin ako dito?



Sige na nga, ito na lang, baka sakaling may maisulat akong bago sa pandinig...er...pananaw pala... ng makakabasa. Baka lang naman... Basahin mo na lang kung kaya mo pang makipagtitigan sa monitor mo o kaya selpon... pero huwag mo akong sisisihin kung maghihikab ka lang o bigla na lang manghalik...er... maghilik pala... habang nagbabasa.



Hindi bale, kaibigan, ganyan daw talaga ang buhay, may mga araw na masaya dahil umuulan, at may mga araw na malungkot, dahil... umuulan!



Umuulan nga...



Tama! Ang ulan nga naman. O siya, sandali kaibigan, kausapin ko lang saglit ang ulan... OK lang? Saglit lang, pramis.



-----

Ulan...ano nga ba ang mayroon ka't nagagawa mong kausapin ang aking damdamin?



Sa gitna ng aking kalungkutan, kapag bumuhos ka't aking napagmasdan... pakiwari ko'y pilit mong nililinis ang aking diwa upang makapag-isip, sa pagnanais na pawiin ang aking pagdaramdam. Sinasabayan ng pagdaloy ng mga luha ang pagdating mo, na kung maaari lamang ay sindami rin ito ng patak mo upang dagliang humupa ang aking lumbay.



Sa sandali ng pag-aalinlangan, nandiriyan ka upang samahan ako sa aking pagmumuni-muni kung dapat ko bang gawin o hindi ang isang bagay... sa bawat tagaktak mo sa bubungan ng mga kapitbahay ay nararamdaman kong binubura mo ang mga yapak ng aking pag-aagam-agam.



Sa mga panahong kausap ko ang aking minamahal, pinanonood ko ang iyong pagpatak sa mga dahon at talulot ng nag-iisang sunflower (wag ka ng kokontra, ito ang paborito kong bulaklak) na abot tanaw ko mula sa bintana ng aking silid. At sa gitna ng bawat tipa ng teklado ng aming mga makabagong makinilya... sabay kaming mangangarap na sana'y mga paslit pa't walang pakialam, habang hubot-hubad na naliligo at naglalaro sa bakuran, sinasahod ang iyong patak sa tabo, at sabay magsasabuyan, maghahabulan.



Sa paglakas ng iyong buhos ay lumalakas din ang aking kaba... maaalala ang mga unos na nagdaan...nagdaang ninanais burahin upang iwanan lamang ang mga magagandang alaala na magdadala sa akin sa kasalukuyan. Kapag nagngalit ang panahon ay animo hinahabol ako ng malaking alon, dumadaluyong, nilulunod ang bagong mundong iniingatang pilit...



Nguni't pagkatapos ng malakas na unos... nariyan ang bahagharing buong pagmamalaking iwawagayway ang sarili sa kalangitan. Luluwang ang aking paghinga, gaganda ang aking pakiramdam. May pag-asa pang buuin ang mga pangarap, para sa akin, para sa amin, para sa lahat.

-------



Nasaan na nga ba tayo, kaibigan? Uhm... tanghalian na pala dito sa Pilipinas... kakain muna ako ha. Medyo binuburyong na kasi ang mga alaga ko sa tiyan. Sige, I-post ko na ang note ko, umpisahan mo nang kutuhan kung interesado ka. Kung tinatamad ka, baka puwedeng mag-like ka naman para alam kong ika'y napadaan.



Salamat sa pagdamay sa aking kasentihan...



link to Senti sa Ulan (uno) ... http://www.facebook.com/note.php?note_id=151945581488349





©waki

01/13/2011

Back to top Go down

Post on Fri Jun 17, 2011 8:25 pm by waki

DYOK TAYM! - (sinakarko laeng iti bidyo apo hehe)
by Waki Ikaw on Monday, January 31, 2011 at 12:16pm

IN MEMORY OF THE TREES THAT USED TO COVER THE VIRGIN FORESTS



madama nga agpukpukan ti kayo ni ka enchong idi immasideg kaniana ni amang AA



amang AA: ka enchong, apay ta agpukpukanka ti kayo?



ka enchong: ket no diak met ngamin kabaelan a gab-uten ta dakkel unay kaka...



(wahehe... wanpoynt por ka enchong)

(intuloy ngarud ni ka enchong ti nangtagbat iti kayo)



amang AA: dimo kadi ammo aya nga dayta kayo ti mangtengtengngel iti daga tapno saan nga agreggaay?



ka enchong: huuuu! mamatika met dita. ti kunam, dayta daga ti mangtengtengngel dita kayo tapno saan a matuang!



(wahehe.. tupoynts por ka enchong)



amang AA: paset ngamin ti trabahomi ti agbantay ti kaykayo ditoy kabakiran kaka ket ibagbagak kenkan a maiparit ti agpukan ti kayo



ka enchong: anya a sika ti agbanbantay ket no siak ti mangbanbantay kadagitoy kaykayo? tatta ka la a makita ditoy ibagam a sikan ti agbanbantay, naglaingka man!?



(wahehe... tripoynts por ka enchong)



(huling hirit)



amang AA: kaka, iparit ngamin ti gobyerno ti panagpukan ti kaykayo...



ka enchong: sinno dayta a gobierno aya, tagaano kadi ta aginlalaing nga agiparit? ayabam ditoy ta sultakek!



(hakhakhak!... awanen... naspakdan... amang bawi tayo sa sunod, nyahahah!)



for the full video, click this link:



http://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=189125311105725&id=100000273381540&notif_t=share_comment

Back to top Go down

Post on Fri Jun 17, 2011 8:26 pm by waki

isa ka nga bang tula?
by Waki Ikaw on Thursday, February 17, 2011 at 10:56am

regalo



tumitig ka lang sa aking mga mata

makikita mo doon ang tunay kong nadarama

ikaw ang dahilan ng aking pagngiti

na kung minsan, sa halakhak pa nauuwi



hindi ko man ito malayang maihayag

pagpapahalaga ko sa iyo'y hindi huwad

kapag nakikita mo akong maligaya

iyon ay dahil naririyan ka lang, sinta



sa mga oras ng iyong pagdadalamhati

mahirap mang lapita'y binabantayan ka lagi

ipagtabuyan ma'y nandiriyan lang ako sa isang tabi

hindi ko kailanman maatim na iwanan ka sa ere



sa mga sandaling ako ang malungkot

ngitian mo lang ako, tanggal na ang simangot

kahit minsan, liku-liko ang daang tinatahak

naitutuwid lagi kapag kamay mo na ang hawak.



ibinigay ka ng panginoon sa mundong ibabaw

upang bigyang liwanag ang naghihingalong pananaw

dahil sa kabila ng mga malulutong na halakhak

kailangan nito ang masuyo mong paglingap



©waki

02/17/2011

Back to top Go down

Post on Fri Jun 17, 2011 8:26 pm by waki

isa ka nga bang tula? (dos)
by Waki Ikaw on Friday, February 18, 2011 at 8:39pm

pagsenting...(hehehe)



tanggapin mo na lahat

mga bulaklak na hindi rosas

wag mo lang ididispley

baka ako'y makasapak...



kung gusto mo ng kendi

sabihin mo't laging redi

matamis, makulay, malagkit

na mga koton kendi...



gusto mo man ng pusit

wag akong pakaining pilit

bagkus ipunin mo mga tinta

panulat ng obra maestra..





©waki

02/18/2011

Back to top Go down

Post Today at 3:47 pm by Sponsored content

Back to top Go down

Page 1 of 2 1, 2  Next

View previous topic View next topic Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum